bale idol na idol ko si ate xienna. oo, ate kahit hindi ko tiyak kung mas matanda ba sya sa akin o kung magkapatid ba kami. wala lang. basta ate - ginagalang ko siya.
o sya, wala na nga lang paligoy-ligoy pa.
pinili ko ang chiksilog.com dahil gusto ko at hinahangaan ko ang istilo ni ate xg sa pagsusulat ng mga lathala. tuwiran at walang paligoy-ligoy. walang bahid kaplastikan at hindi siya nagsusulat para sa mga mambabasa. babae sya pero may bayag syang sabihin ang mga nais sabihin. at higit sa lahat, may mga punchlines na hindi mo alam kung sadya o hindi pero bumebenta. hindi sya mahirap basahin at hindi mahirap intindihin. natural lang ang daloy ng mga salita sa mga lathala ni ate xg. hindi katulad ng mga mababasa mo minsan sa mga ibang blogs - pilit. kumbaga sa mga politikong nagsisipagtalumpati nang walang kabuluhang bullshits, mehmasabi lang. hindi ganon ang chiksilog. may sense at kung minsan may aral din (hindi man sadya, at least hindi pinilit).
kung bakit ako boto sa CHKSLG?
ayun.




